Mutya ng Pasig
Language: Tagalog (Filipino)
Our translations: ENG
Kung gabing ang buwan sa langit ay nakadungaw; Tila ginigising ng habagat sa kanyang pagtulog sa tubig; Ang isang larawang puti at busilak, Nalugay ang buhok na animo’y agos; Ito ang Mutya ng Pasig, Ito ang Mutya ng Pasig. Sa kanyang pagsiklot sa maputing bula, Kasabay ang awit, kasabay ang tula: Dati akong paraluman Sa kaharian ng pag-ibig, Ang pag-ibig ng mamatay, Naglaho rin ang kaharian. Ang lakas ko ay nalipat, Sa puso’t dibdib ng lahat; Kung nais ninyong ako’y mabuhay, Pag-ibig ko’y inyong ibigay
Text Authorship:
Musical settings (art songs, Lieder, mélodies, (etc.), choral pieces, and other vocal works set to this text), listed by composer (not necessarily exhaustive):
- by Nicanor Sta. Ana Abelardo (1893 - 1934), "Mutya ng Pasig" [voice and piano] [text verified 1 time]
Available translations, adaptations, and transliterations (if applicable):
- ENG English (Katrina Navarro) , title 1: "Pearl of Pasig", copyright © 2013, (re)printed on this website with kind permission
Researcher for this text: Emily Ezust [Administrator]
This text was added to the website: 2013-09-03
Line count: 20
Word count: 85