Nasaan Ka, Irog?
Language: Tagalog (Filipino)
Our translations: ENG
Nasaan ka, Irog? Nasaan ka, Irog at dagling naparam ang iyong pag-giliw? Di baga sumpa mong ako'y mamahalin? Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing Subalit nasaan ang gayong pagtingin? Nasaan ka Irog at natitiis mong ako'y mangulila At hanap-hanapin ikaw sa alaala? Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligaya't Ngayong nalulungkot, ngayong nalulungkot ay di ka makita? Irog ko'y tandaan! Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo, Mga sumpa't lambing pinaram mong buo, Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo. Tandaan mo Irog, Irog ko'y tandaan. Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't magsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo. Nasaan ka irog! Nasaan ka Irog?
Text Authorship:
Musical settings (art songs, Lieder, mélodies, (etc.), choral pieces, and other vocal works set to this text), listed by composer (not necessarily exhaustive):
- by Nicanor Sta. Ana Abelardo (1893 - 1934), "Nasaan Ka, Irog?", published 1900. [voice and piano] [text verified 1 time]
Available translations, adaptations, and transliterations (if applicable):
- ENG English (Katrina Navarro) , title 1: "Where are you, Love?", copyright © 2013, (re)printed on this website with kind permission
Researcher for this text: Emily Ezust [Administrator]
This text was added to the website: 2013-09-03
Line count: 20
Word count: 113